Buwan ng Wika Ipinagdiwang ng CPAC-ES; Itinampok ang Iba’t-Ibang Natatanging Lugar sa Bansa Featured

Monday, 04 September 2017 19:21
(0 votes)

     Sadyang napakasarap bisitahin at buhayin ang mga kultura, sayaw, pagkain

at maging ang iba’t-ibang wika ng ating mga kababayan mula sa iba’t-ibang parte ng bansa! Kaya naman sa pagdiriwang ng CPAC-ES ng Buwan ng Wika noong Agosto 29, 2017, naging tampok sa kanilang palabas ang mga ito.
     Naganap ang pagdiriwang sa Pioneer Hall ng CPAC at ito ay sinimulan ng isang papuri na pinangunahan ng mga mag-aaral. Ang pambungad na salita ay ibiniahagi ni G. Rafael Carado, ang pangulo ng Parents Teachers Association (PTA). Sinundan naman ito ng napapanahong mensahe ni Gng. Leren Bernardino kaugnay sa tema ng Buwan ng Wika na “Filipino: Wikang Mapagbago.”
     Pinakaabangan ng lahat ang pagtatampok ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang baiting. Sinimulan ng mga mag-aaral sa kinder ang nasabing pagtatampok sa kanilang sayaw na ‘Salakot’ mula sa Panay. Sinundan naman ito ng mga Grade I ng kanilang sayaw na ‘Manang Biday’ tampok ang Ilocos; Grade II sa kanilang Pasigin’ tampok ang Cebu . Bago nagpakitang-gilas ang mga nasa ikatlong baitang tumugtog at kumanta muna ang VOP ng Sitsiritsit.
Itinampok naman ng mga nasa ikatlong baitang ang kanilang song interpretation ng kantang ‘Kanta Pilipinas’ tampok ang Luzon. Isinunod naman ng mga nasa ikaapat na baitang ang kanilang song interpretation na may kasamang pagpapatawa tampok ang mga kanta ni Max Surban. Hindi naman nagpahuli ang mga nasa ikalimang baitang sa kanilang sayaw na ‘Waray-waray mula Leyte. ‘Maglinatik’ mula sa Laguna naman ang sinayaw ng mga nasa ikanim na baitang.
     Matapos ang sayawan , tugtugan at tawanan ay isinunod naman ang kainan ng mga pagkain na tampok sa iba’t-ibang natatanging lugar ng Pilipinas.
     Sa bawat pagbabago, anuman ang ating pinanggalingan tayo at pinagbubuklod ng wikang Filipino. Ano man ang kulay ng ating balat , iba-iba man ang kultura natin, magkaiba man ang sarap ng pagkain sa ating hapagkainan ang ating pagmamahalan ang magpapatunay na sa anumang pagbabago, tayo ay Pilipino.
     Talagang tunay na nakasaya at nakabusog ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng CPAC-ES!

Read 144 times
More in this category: Boys’ Dorm Acquires New Piano »